Hello! yun ulit ang masasabi ko. Nagtytype ulit ako sa blog na ito kahit na nagblog na ako makahapon. Hindi ko mapigilan eh. Ako ay isang impulsive writer at dahil impulsive ako magkwento, ikkwento ko lahat ng nangyari sa araw na ito (ganun ako natuwa).
Ngayong araw na ito, first time ko magpacheck-up sa derma... ayun nag-intay naman ako ng sandali tapos nakapasok naman na ako (may appointment ako). Nakita ko yung *tanong kay mama* yung nakalagay sa table nung doktor, tapos nakalagay yung pangalan niya na nakaukit sa Marble o Wood...*"bilis ma! nasa game show ako sagutin mo na pleasee hindi ko na maittype ito sa blog ko"*. ay give up na daw. Pangalanin na lang natin ito na Table Plaque. Isa yun sa mga goal ko para maging doktor eh...aside dun sa Blazer...aside dun sa tatawagin kang doktora. Minasdan ko talaga yun ng maigi habang tinitingnan nung doktor yung shiny kong face sa ilalim ng malaking study lamp. Prinescribe-an ako ng Tetracycline nung doctor, nakainom na ako ng isang tablet tapos nalaman ko kay mama nakakastain pala yun ng teeth, kunin ko daw sa clinic yung kapalit pero tinamad ako kaya bukas na lang...
Tapos kumain kami ng dinner sa Anne's...dinner pero ang naiisip ko BEER TOWER (kahit na hindi ako umiinom ng beer). Ang sarap ng kinain ko kaya nahihiya na ako mag-order ng extra rice (buti konti lang ung tao sa loob)...hanep. siguro pinagtawanan na ako ng mga kakilala ko kapag nahuli nila ako na sobrang lakas kumain...hehehehe:)))
AT!
MERON!
PA!
AKONG ISANG PURPOSE PRA I-TYPE ANG BLOG NA ITO!:D
Ito ang top three songs ko na kakantahin hanggang mahanap ko SIYA ( whoever that may be)
1. Use Somebody
2. Don't know what to do, don't know what to say
3. Forevermore (side A)
pag nahanap ko siya.. kakantahin ko sa kanya itong tatlong kanta na ito..
Nagpapraktis na nga ako para perfect..iniimagine ko nga namemeet ko tong tao na ito sa med school eh.. o di kaya sa bookstore.. o di kaya sa pila..pero siyempre GOD has other plans (so unexpected dapat) :P :D
Iniimagine ko nga rin ung dialogue na mangyayari sa 10 year reunion namin ng HIGHSCHOOL:
Jyra: oh! kamusta ka na?
classmate #1: ah, eto! Kasal na kami ni *toot* tapos manager na ako ng *toot*
Jyra: uy! hi! ikaw? kamusta ka na?:D
classmate #2: ah eto 6 months na itong baby ko, ikalawa ko na itong anak, ung unang anak ko si John..
classmate #1 at #2: ikaw Jyra? kamusta ka na?! (may asawa ka na? may anak ka na? may bahay ka na?
Jyra: Nag-aaral pa rin.:)
No comments:
Post a Comment