24.10.12
Hinanananananananakit.
Hindi ko alam.
Pero kung papayagan akong gawin kung anong gusto kong gawin sa buhay ko dahil 'di nag-eexist ang pera, magsusulat ako.
Magsusulat ako para sa dahilang kaya kong magsulat.
Alam kong hindi ako ang pinakamagaling sa balarila
ngunit ako ang taong 'di nauubusan ng ideya.
Madami akong gustong gawin sa buhay. Umiikot sa aking pantasya na maging mahirap na manunulat balang araw:
- Hindi naman ako ganoon kagalingan upang yumaman sa dami ng kopyang nabili.
- Hindi ko nais ibenta ang aking pagkatao bilang manunulat upang pumatol sa basurang paningin sa mundo.
- Ang sining ay waley kung walang paghihirap.
Kaya, kung makakakita kayo balang araw sa kalye na may kartong nakadispley sa harap na : magsusulat upang makakain. Tapos ilang kumpul kumpol na papel sa likod nito na may gusgusing babaeng nagsusulat ng kung ano..ako na siguro yun.
------------
Pantasya nga naman.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment