7.12.13

Yung Totoo.


Madaling araw na. At kakakain ko lang ng niluto kong 2 pak ng pancit canton. Ma-eextend ulit ng 2 oras ang aking pagkagising. Medyo mabigat. Kung sakasakali, hindi ako takot magkabangungot.

Kakabasa ko lang ng unang bahagi ng Trip to Quiapo kaya siguro ganito ulit ang kundisyon ko. Kumag.

Bakit ba ang tao ay pinoprograma ng mainstream media na matakot sa espasyo?

Na layuan ito. At angkinin ang laman ng impormasyon bilang sarili nito?

Hindi ba..tayo ay espasyo lamang rin sa pinakaloob?

At bakit kaya, tila isang zombie ang isang tao kapag nakukuha na ang indayog nito.
Bakit sila nakiki-ride in sa simpleng humor?

May matutunan ba akong aral sa kanilang simpleng kaligayahan?
Pero hindi naman simple yung kaligayahan nila, marahil, mababaw nga.
Ang simpleng kaligayahan ay may pinagtimping dahilan kaya siya simple.
Pumapalibot ang tema sa lahat ng makikitang simpleng bagay kaya siya nagiging maganda at may kahulugan.

Ang mababaw na kaligayahan ay pinaraos lamang sa 5 senses kaya ganyan ang kinalabasan.

Pero inaantok na ako at nagtytype sa extended keyboard thanks to cd-r king gamit ang netbook na pinadala ng aking itay dahil nasira yung power part ata ng aking veveh HP laptop.

Miss ko na yun. Mas malaki yung screen. 15. Ito 10.5.
At never yun naghuhung. Ever.

Magagawa ko bang kumuha ng sideline job para sa mga natitirang oras ko? O forever slave ako ng pub hanggang matapos ang taon? Hindi na ba talaga ako makakaalis ng Tuguegarao hanggang matapos ang termino ko? Paano ko maoorganisa ang aking oras na sa gayon ay makakaluwas ako ng Tuguegarao pagkatapos ng ilang buwang dirediretsyong pananatili dito?

Gusto ko nang umalis.

No comments:

Post a Comment