2.11.10

Ano ba ang kailangan ko sa buhay?



Ano ba ang kailangan ko sa buhay? pera? trabaho? pagmamahal? kapayapaan? Unahin ko ang pera. Naisip ko rin na hindi naman umiikot ang lahat ng kasiyahan sa pera. Dati, gustong-gusto kong yumaman kasi naisip ko rin ang problema ay nanggagaling sa HIRAP. Kung tutuusin, kung mayaman ako, mabibili ko ang lahat ng gusto ko at maipapamahagi ko ito sa ibang taong nangangailangan, ngunit, ako'y nagpapasalamat sa Diyos sa biyaya at hindi nagbibigay ng karapat -rapat na pangangailangan sa Diyos. Kung ako ay nabiyayaan dahil nararamdaman ko ang Diyos sa buhay ko at hindi siya nagkukulang sa pagkinig sa aking mga dasal , sa aking opinyon, ito ay ang pagbabalewala sa kanyang kabutihan.

Minsan nga naiinis na tayo sa mga simpleng problema sa buhay, katulad na lamang kung hindi tayo nakasama sa isang gimik o di kaya'y di nakapagonlayn sa facebook o twitter. Ito marahil ay wala kung ikukumpara sa paghihirap ng ibang tao.Ito ay kababawan at marahil pagsasayang ng oras. Oo, masyado pa tayong bata para problemahin ang mga problema ng mga matatanda ngunit, di rin kayo tayo masyadong matanda upang magbigay ng malaking atensyon sa mga ganitong bagay? Ito ba ay nararapat para lamang sumunod tayo sa uso? Maraming oras ang nakalaan para gawin ang lahat ng bagay, maraming oras para maglaan ng kaunting pagmamasid sa totoong halaga ng buhay at kung ito ba talaga ang gusto nating daan na tatahakin. Hindi pera ang sagot sa lahat ng bagay, may mas malaki pa dito.

Trabaho lang ba ang kailangan ko sa buhay para ako ay mabuhay ng tuwiran sa mundo? Sa tingin ko importante ito pero hindi ito ang pinakakailangan ko. Maaaring ito ang maging paraan para makatulong ka sa ibang tao pero hindi ito ang tunay na magbibigay ng halaga sa buhay mo.

Pagmamahal ba? walang kasiguraduhan sa pagmamahal, hindi tama na umasang mamahalin ka ng mga taong mahal mo, ang tanging kalalabasan lang nito ay masasaktan ka. Nasaktan ka dahil binigyan mo ng halaga ang pagmamahal mo na kung sa katotohanan LIBRE lang dapat ito at walang nakasabit na presyo. Ang halaga ay ang "pride" mo at hindi ang iyong puso. Inisip mo kasi ang sakripisyo na ginawa mo at hindi ang kabutihan na dapat naidulot nito. Kaya ang tanging isipin mo na lang sa pagmamahal ay ang kasiyahan niya at wala ng iba, wala tayong karapatan na akuhin ang ibang tao dahil tayo lamang ang nagmamay - ari sa sarili natin at wala ng iba. Kung ganitong uri ng pagibig ang tinuturi mong pagmamahal, masasabi kong hindi pa ito ang iyong totoong kahihinatnan.(
nawala na ako sa aking paksa! ngunit ito ay totoo rin at sa karaniwan, marami ang nagkakamali sa kanilang buhay at nagsisisi dahil dito)

p.s. opinyon lang ito.

Kapayapaan ba? Ang kapayapaan ay resulta ng kabutihan. Sa aking pananaw, Diyos ang tanging kailangan ko sa buhay dahil Siya ang ugat ng kabutihan. Siya ang ugat ng pagmamahal. Siya ang pinakadakilang ehemplo nito. Siya marahil ang sagot sa aking tanong kung ako ay lublob sa problema. Kung wala ng ibang makakatulong sa akin at ang aking mundo ay tila unti-unting gumuguho , wala na akong magagawa kung hindi harapin ang katotohanan at magdasal.

Ako ay nagsasalita sa aking sariling wika dahil ,una, ako ay nakatrese sa aking Filipino. Ikalawa, tumatak na sa akin ang totoong ibig sabihin ng sinabi ni Jose Rizal (
ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda) . At anupa't magawang mahalin ang sariling wika kung hindi gamitin ito sa iyong araw-araw na komunikasyon? Hindi ako Amerikano para salitain ang kanilang wika, ako ay Pilipino at gagamitin ko ang aking wika gaya ng paggamit ng mga Amerikano sa kanilang Ingles. Ako , gaya ng ibang kabataan ay nahihirapan na magsalita ng Filipino, kung magpapatuloy ito , tutuluyan ng guguho ang aking katauhan na Pilipino.

Alam ko marami akong pagkakamali sa mga grammar ko pero nagsusumikap akong itama ito.

hayun.:)

No comments:

Post a Comment