27.3.12

Bahaw.

Sa isang singit
Ng utak
Ika'y ginugunita
Sa gitna ng busina
Ng paglalaya
Ika'y tinatakpan tainga
Ngunit sa paglubog
Ng aking mga paa
Na nag-iwan ng imprenta
Sa lupang tinatahak
Lumuluwag ang papag
Bumubukas sa impyernong
Iniwanan ng mga patak
At sa mga matang
Nangagsasalubong
Upang ako'y dakmalin
Nang buhay
Kinukuyom ko
Ang aking kamao, ang mga bisig
Ekis sa aking dibdib
Aking lalakasan ang aking tinig:
"Ito'y bangungot! Hindi na ako
tatanggi! Ako'y halimaw ngunit
Hindi na ako nananaginip 'tulad
Ng dati!"
Sa lumalaking puwang
Ako'y aatras
Aatras, aatras
Bubuwelo ako
At sa impyerno
Ako'y lalagpas!

[isang demonyong ayaw magpatahimik]
[kapayapaan --ilaw-- kagandahan -- kabutihan -- karunungan ]



No comments:

Post a Comment