Hindi mo na ako makikitang
Lumalagok ng mamahaling kape
Habang nagbabasa ng fashion mag
At nag-iiPad ng peyborit na muve
Hindi mo na ako makikitang
Nakikipagchikahan (kahit kailanman)
Ng garalgal na Victoria's Secret
At ang relasyon ng showbiz cliches
Hindi mo na ako makikitang
Nagnanais na nakasakay sa loob
Ng sports car na red
At may fianceng bastardo ng isang oligarch
Hindi mo na ako makikitang
Nagtitiyagang kausapin ka
Na walang anumang interes
Sa pinagdaraanan ng masa
O bulag para sa'yo
At nanaisin ka pang muli
Dahil naaamoy ko na
Ang naaagnas na imaheng
Iyong ibinabandila at
Kung hindi ka pa gising
Sa kawalan ng pagkagiting
Ng iyong pera
Eh 'di pu***s ka.
Hindi mo na ako makikita.
[aytako]

What language is this?
ReplyDeleteFilipino.:D
DeleteThanks for leaving a comment & for dropping by!:)