20.4.12

Isang Araw Sa Buhay Ni Aytako (at komentaryo sa bagong format ng blogger).


Abril 20, 2012.

             Huling araw sa unang linggo ko sa summer class. Alam mo ang naisip ko kanina? Gusto ko nang mamatay (hindi depressive o suicidal), parang gusto ko na kasi malaman what's at the end of the tunnel. So curious na me. Tapos, nadaanan ko si Ate Ash at dumadakdak ng mahina "ash..ash...ash.." kasi hindi ako sigurado kung siya nga yung nakatalikod. So yun, nagkausap kami. Tinanong niya kung ano ang subs na itinatake ko ngayon. Ganun din rin ang tanong ko. "10 units ka?!? huwaaww.pwede?" "oo" sabi niya. Tuwang-tuwa naman ako. O di nagdagdag ako ng Methods. Grad na nga dapat siya ngayong summer...thesis na lang daw kulang. Kung sakasakali parang ka-edad ko lang siya kapag ga-graduate (in 2 years ako na ay = 19). Pinangako ko sa sarili na mag-seseryoso full-time sa susunod na dalawang semester. Tigil muna ang pa-excuse excuse dahil sali ako sa journ seminar at contests sa klase na muntik ka ng drinop ng profs mo sa dalawang major at muntik ka na ring ibinagsak due to missed quizzes and absences. No more slacker plizz(oh my it's jeje). Magsusulat na lang ako on my own for the meantime. Tatapusin ko rin kasi yung mga back subjects na 'di ko natake. Lumipad nanaman ang utak ko sa med school.

             Wala munang love life.lol. (naiisip mo yun?!?!labbb??laboratory?ha?) Pwera na lang kung maiintindihan niya na una ang pangarap ko kaysa love life. 'Yan lang kasi ang palipasan oras ng mga taong maraming oras. Gusto ko nagugugol ang bawat oras ng buhay ko sa wasto kahit ano pa man. Para naman may silbi kahit hindi ko piniling mabuhay. Hindi ko ba pwede piliing mamatay? Pero salamat at nacancel yang idea na yan. Dumadami ang aking dahilan upang gustuhing mabuhay pa--isa na dyan ang med school. At langya naman sa Kanya kung ikikitil ko 'to sa walang kahirang hirang na dahilan. Mahal ko ata ang buhay kong 'to kahit kinamumuhian ko ang sarili paminsan  minsan.

            Ang gulo ng format ng blogger. Naninibago lamang siguro ako. Ikaw, ano ang mga dahilan mo upang mabuhay? (parang nescafe..revised)

No comments:

Post a Comment