Isang ilusyong naniniwala sa banayad na kinabukasan.
Isang ilusyong naniniwalang mapagsasabay ang pagbabago sa gitna ng mga selebrasyon, tradisyon at sa nakasanayang libangan.
Hindi na ako tulad ng dati.
Hindi ako ang taong magsasaya sa mga anumang isunusubo sa akin ng telebisyon at ng media sa kabubuan upang maaliw. Hindi ako nabubuhay upang maaliw, nabubuhay ako para malaman ang katotohanan. Hindi na yaon naalis sa isip ko simula ng namuhay ako sa mundo.
Hindi ako naniniwalang pag-iisipan ko na lamang ito kapag nasa tamang edad na ako.
Hindi sa pagkatanda ko, sa edad na taling tali na ako sa kasinungalingang ipinapahayag ninyo at bulag na upang makakita ng kaunting liwanag, hindi yaon maaari.
Hindi ako naniniwala na ang buhay ng kabataan ay kailangang iwaldas sa pagiging masaya habang hindi ka pa namomroblema kung saan manggaling ang susunod na pera..habang ika'y namomroblema lamang sa mga sitcoms, movies, latest music at mga hot na babae/lalake.
Ang gawaing libangan ay ang paghugas kamay mo sa mga isyung nangyayari sa bayan at sa mundo. "Wala kang kinalaman dito, wala kang kailangang pakielamanan dito dahil bata ka pa." Para sa mga taong humihinga sa katotohanan, distraksyon lamang ito.
Taliwas ang mga iniisip ko sa mga nakakarami na simple lang ang hangad sa buhay (mag-aral, magsaya, magtrabaho, magkapamilya, mamatay, BOW). Ang hangad ko ay mamuhay sa katotohanan at hindi sa ilusyong walang nangyayaring kapangahasan sa mundo. Ayokong mamuhay sa kasinungalingan kahit na ang pagiging komportable ang ibinibigay nito.
Hindi komo yaon ang pinaniniwalaan ng marami, yaon na ang tama.
Ang katotohanan ay marahil dinudungisan ng kasinungalingan kapag itinatapon na sa madla.
Ang madlang oo lang ng oo, ang madlang buo ang tiwala sa mga lider na hinirang kagalang-galang, ang madlang kahit nasasadlak na sa kahirapan ay patuloy pa rin sa pagtitiis ng pagdurusa at tumatakas na lamang sa mga hilik at biro.
Nagising lang siguro ako ng inuntog ako ng katotohanan.
"Oras na upang maramdaman mo ang katauhan ko."
Hindi ako makatiwalag sapagka't kapit bisig na niya ang mga braso ko.
"Ito naman ang hinihingi mo 'di ba, ang katotohanan?"
Oo, wala na akong inaasam pa.
Sunud-sunod ang mga pangyayaring hinatid niya sa akin.
Hindi ako nabigla ngunit hindi ko inaakalang tatahakin ko lahat ito.
Hindi ko inisip na ibibigay niya lahat ng inaasahan ko..ang sakripisyo na
Kapalit ng karunungan..ang pagbaklas ng "ako" kapalit ng pag-usbong ng responsibilidad.
Sa mga buwang nadadaanan ko naiisip ko kung paano bumaliktad ang tingin ko sa mundo, sa buong buhay ko..at nagagalak akong sabihing hindi na ako kakain ng anumang naisuka ko, ang kargang hindi ko kailangan (pamumuhay, identitad bilang tao at sa basurang relihiyon).
Kung malalagyan ko ang sarili ko ng libel para sa huhusga sa buhay ko, ito iyon:
Aktibista. Salungat sa gobyerno at simbahan. Masikhay. Patay na ang katawan, buhay ang diwa.Panatag.
Pabulong pa lamang ako'y nagsusulat ngunit sumisiklab na ang lagyo ng katotohanan.
[minute world issues are at hand, higher consciousness at the head and worldliness are at the soles of my feet.]
No comments:
Post a Comment