9.1.12

Bangin.



Nagsusulat ako ngayong gabi dahil naisip kita. Ilang beses kong sinubukang ipahiwatig ito sa Ingles ngunit patigil tigil akong pinahinto nito sa pagkabalisa. Hindi ko alam kung bakit Tagalog, hindi naman ako magaling dito. Pero mas masasabi ko siguro ang naiisip at nararamdaman ko. Sa kasalukuyan kong isunusulat ito, hindi ko alam kung matatapos ko ito at maipapakita nang mabuti ang aking nasa isip o ititigil ko na lamang muli para magumpisa ng bago. Hindi ko alam ang hahantungan ng isinusulat ko pero alam kong hindi ko maitatago ang anumang ipinagkukunyaring kalmado ngunit mahina at ang obhektibo bilang tunay na emosyonal sa madla ng mga salita.

Umiikot lamang sa isipan ko ang mga huling isinabi mo. Mabuti at nawala ang mga ibang parte nito sa ilang buwang napuno ang utak ko ng mga takdang aralin at mga damit na kailangang itupi.

Hindi ko alam kung ipagpapatuloy kong isulat ang mga sentimyento ko o babalewalain ko na lamang ito sa mga pangyayari ngayon. Hindi kasi ito lumilisan sa anumang pagbabalewala ko. Hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko maisulat ang lahat ng mga bagay na nais kong ipahiwatig sa'yo.

Kaya ilalathala ko na lamang ang mga salita na replay sa isipan ko:

Sana magawa mo akong kausapin.
Hinintay kong tawagin mo ang pangalan ko noong--
Alam kong sinubukan mo nga nang may alanganin
noong lumapit ka.
Miss na kita.


No comments:

Post a Comment