(This blog post was drafted in an earlier date)
This is a note taken from my real life journal.
One could only guess what are the things I don't post in here *winks*.
December 04 ngayon. Marami akong pwedeng payagang pumasok sa utak ko ngunit ilan lamang ang available para pagubusan ng oras. Gaya ng pangangarap --hinde. Pagiisip kung saan ako nakaupo 5 years from now. Exciting at heady, di ba? Kanina lamang dinownload ko ang video ni LDV sa Inkblots. Walang pinagbago ang aking feel mula nang unang marinig ko ang kanyang mga salita (live sa TARC-UST). Hindi katulad ng ibang videyo..nakakasawa nang panoorin.
Minsan lang ako nagkahilig sa pagsusulat at hindi na ito naglaho. Masasabi kong ito ang FIRST LOVE ko sa aking mga interests/passions. Ito ang kahalo ng iba't iba kong interests.Siya ang partner ko sa lahat ng mga bagay. Minsan, LQ kami. Nagdadrawing na lamang ako sa mga ganoong pagkakataon at paulit-ulit na nangyayari na narerealize ko na ang pagsusulat lamang ang makakakompleto kahit sa pagdadrawing. Wala nang iba. Ganoon ko siya kamahal.
Ang saya 'di ba? Ginagamit ko ang pagsusulat sa pangungumpisal na mahal ko siya (ang pagsusulat). Ganoon ako ka-dedicated. Pinagpupuyatan ko siya (makikita mo naman sa mga presswork) at pinaglilipasan ng gutom (kahit na masasabing weakness ko ang hunger). Hindi dahil mayaman siyang kasanayan o dahil mafeel kong medyo matalino ako kung hindi ay masarap at magaan siya sa aking pakiramdam. Hindi na kami maghihiwalay. Kaakibat ko na siya araw-araw. Hindi ako mapakali kung hindi ko nagamit ang pen at paper sa isang araw.Imposible ata yun. Inseparable na kami.Hindi mo na kami mapaghihiwalay sa pamamagitan ng pag-introduce ng bagong kahiligan dahil ang mangyayari ay isasama ko lamang ulit siya doon. Ako ay palaging may "+"(pagsusulat). Kaya kung musika lamang, isasama ko pa rin siya. Sorry ka na lang. Madami na kaming pinagdaanan.
Minamahal ko siya,
Aytako.
No comments:
Post a Comment