22.11.11

Palaka, Talangka at Pah..langka?

Gumigilid na ito sa aking mga memorya...isa pang kasinungalingang kailangang mapatupad...ang magsumite ng isang entry (anong tagalog nito?entry?imbisil..) sa Pah-langkah Memorial Awards For Literature. Nakapagbasa na ako ng ilang panalong entri sa website nito at napahuwaw ako. Nagsalba nga ako ng iba at sinalba ito bilang word document para basahin upang maging inspirasyon.

"Nauuyam na si Midel sa kanyang sariling mungkahi..'Tama na..'"

pagkatapos ng
[pineapple juice + pelikulang Baler na pinanood sa opis with peeps + secret]

Ako ay hilung-hilo. Gagawa na lang nga ako ng piksyong dayalogo (hindi monologo), dahil nainspire ako sa Baler na yan..

Julian: Mahal kita, Belina!
Belina: Hindi ba pwedeng isang salita na lang?
Julian: Mahal....
Belina: Oh Julian, huwag mo ako lilisan..huwag ka nang sumama sa hukbong rebeldehhh
Julian: Ngunit..kailangan ko Belina..iisipin nilang traydor ako
(interject: Ahuy! Baler line yan ah!tsscchh! originality naman!)
Belina: Kay hirap umibig sa panahon ng digmaan...
Julian: Kaya lay down your arms, give up the fight...
Belina: Mahirap...berde ang araw..ngunit maghihintay ako Julian!
Julian: Pangako...matutupad rin ang mga pangarap natin..kapag sumuko na ang Colonel..
(interject: Baler na nga...)
Belina: Mahal na mahal kita Julian...magpakailanman...
(Hahalikan ni Julian si Belina sa noo at sa kanyang mga labi)
(yakap)

Someday...I'll submit an entry! someday!
ngunit ngayon ako'y..
SUSUGOOOOOOOODDD!!!!!!!!

[SUGODSULATNGMGATULA+MAIKLINGKWENTO+SANAYSAY-PARASALIT.FOLIO!]


No comments:

Post a Comment