24.11.11

Sanaysay.


Hula ko.

Pinigilan kong tingnan ang stats at magpost dito..sa pahinang ito. Ngunit hindi ko mapigil ang pakiramdam ng pumipindot ng keyboard keys..ang saya kasi, feeling productive. Sa ngayon, sinasanay ko ang sarili kong gumawa ng sanaysay. Kailangan ko kasing mahasa sa Tagalog at Ingles at maipagpantay ko ang kasanayan ko sa parehas na linggwahe upang maging manunulat. Ayokong maging jack of all trades at master of none. Feeling ko, sa pagkakataong ito na ako ay blangko. Pinipihit at pinipilit ko lang kasi ang sunsilk shampoo container at bula na lamang ang lumalabas dito, matagal ko na kasing nilalagyan ng tubig para lumabnaw at lumabas ang natitirang shampoo liquid sa loob nito. Ngunit joke lang yung kakasabi ko kanina, pero seryoso dahil utak ko yung tinutukoy ko doon.

Kanina, ako ay naguilty sa ginawa ko, kumain ako ng dalawang order nung 1 pc. chicken joy na inorder para sa aming publications staff. Sobra naman talaga yung order dahil hindi naman nagpapakita yung mga ibang "part ng staff", matagal ko nang ginagawa yun (nagtatake two kasabay ng aking mga kasama) at ngayon lang ako naguilty..kasi, sa pagkakataon kanina, akala nila first time ko pa lang kakain kasabay nila at hinintay ko sila bago matapos ang articles nila, yun pala nauna ko nang kinain yung isa sa conference room patago. Tinanggihan ko naman ang ice cream dahil nakakain na ako dati ng ice cream...ang tagal kasi nilang magtype ng articles.

Hula ko, alam mong basura lamang ang mga pangungusap at talatang inaambag ko sa aking bagong blog post at naghahanap ka lamang nang mapagsusunugan ng oras. Kung ako sa'yo, huwag. Huwag mo na ituloy, ineehersisyo ko lamang ang aking mga phalanges..you know. Nagagalak akong makausap ka at natutuwa ako sa iyong pakikinig gamit ang iyong mga mata. Sana balang araw, makapagusap rin tayo at maririnig ko rin ang mga hinaing mo sa mga aking pa-deep at pa-inspirational blog posts. Salamat sa iyong pakikinig...dahil ang mga mata ay nagsasalita din. Alam mo naman na hindi mo alam ang umiikot sa utak ko ngayon at gayundin sa'yo. Sana ito'y magbatid na tayo ay parehong magkaiba at alam kong naiintindihan mo ito--hula ko (cliche oh yeah).

Nag-aalala kung gising ka pa,
Aytako.


1 comment:

  1. Ahahahahahaha LOKO Ka Jyra ahahahahaha 2 pcs ng chken oh HAHAHAHA Natatawa ako :))))

    ReplyDelete