8.11.11

Nagbibitiw ng.


First day of 2nd sem classes na, 'di ba?
Oo.

'Di ka pa papasok ngayon?
Oo. Ayoko pa. Laks lang ang pacing dito sa eskwela.
Mamaya na..

Nag-enrol ka na ba?
Hindi pa. Mamaya na lang. Clearance muna,este nawala ko pala yun..
Advising form pala yung kukunin ko.

At?
Doon ko ulit napag-isip na ayoko maging doktor
At pumasok ang iba't ibang ideya:
-Nawawala clearance mo!It's a sign! Huwag ka na mag-aral ng biology!
-Mag-stop ka muna! relax ka muna! isipin mo 7 months rin ang libre mong
oras upang mag-isipisip sa buhay, o di ba?
-Stop ka na, tutal hindi ka naman dito sa Pin..........[secret muna]

  • Tengene, ang gusto ko lang ay magsulat.
  • Kung magbabakasyon ako ng 7 buwan, magsusulat ako ng nobela o kung anuman at isa pang folio na hindi pang regional contest para sa university na pinapasukan ko.
  • Kaya ng utak ko ang biology (nakakayanan ko namang pumasok kahit sa exam na lang) PERO..isipin mo yun? buong buhay mo iuupdate pasyente mo? tatanda na ako sa pagaaral?eh hindi naman kayamanan ang goal ko sa buhay?whereas kung manunulat ako wala akong mangaganib na mapatay(at least not directly)? Isipin mo yun..
Kailan ba nagsimula yan, ha? saan yan nanggaling?
- Sa isang national journalism seminar, hokay? eh kasi si Lourd eh. si Lourd DVyr [feb11nayanoh].
Yung quote na yun eh (see flat). which is.. "Unannounced changes in life's itinerary are like dancing lessons from God"

Mini-Internal Monologue:

Dancing lessons?
-hikbi.iyak.hikbi.

Unannounced changes?
-tango. pikit. hagulgol.

Itinerary?
-walang natuloy ni isa.
Ang raming nabago sa itinerary,
ano ba ang hindi ko pa pwedeng baguhin?

Over-all?
-champion.

Gusto ko ba talaga maging doktor? o gusto ko lang magsulat?
Sinubukan kong i-google, doktor o manunulat?

si Fausto J. Galauran at Jose Rizal ang lumabas.
o di ba?parehas silang doktor at manunulat.

Sa kasalukuyan, walang kursong inooper dito sa eskwela na pinapasukan kong akma sa
pagsusulat(wala naman talaga).Magagalit ang aking inay kapag hindi ako nag-enrol kaya tatapusin ko ang semestre na ito for the heck of it.

Hindi na ako makapaghintay.O di ba, bongga.
Ako ay isang "feeling may mararating."
Naisip ko rin kasing "sayang ang brain exercise."

No comments:

Post a Comment